Sunday, July 17, 2016


 Biliran isang probinsya na hindi pa masyadong kilala ng mga tao. Isang lugar na masasabi nating hindi pa natuklsan at nadarayo ng mga tourista. Isa sa pinaka maliit na probinsya sa ating bansa. Ngunit isa sa pinaka sa gana pag dating sa natural na ganda ng kalikasan. Masasabi nating ang Biliran ay isang tagong paraiso. Dahil may tinatagong ganda ang Biliran na siyang ating duyuhin at tuklasin.


 Masasabi nating magandang halimbawa ang mga Tinago Falls na matatagpuan sabayan ng Caibiran sa Bliran. Kung beach reasort naman puwedeng puwede mung dayuhin ang Sambawan Ilsand sa bayan ng Maripipi. Kung magandang tanawin na man ang nais maarin mag relax sa bayan ng Almeria kung saan matatagpuan ang Iyusan Rice Terraces, Bagongbong at Ulan Ulan Falls. Hindi lang ang Tinago,Bagongbong at Ulan Ulan Falls ang meron ang Biliran dahil marami pang iba tulad ng Tomalistis, Kasabangan at Busai Falls. Kung island hoping naman ang hanap marami ring magagandang isla ang Biliran.Kung simpleng pag rerelax lang ang hanap na tulad ng Spring meron rin ang Biliran. Sadyang magsasawa ka sa dami ng mapagpipilian mong mga distinasyon.

Special Binagol Suman Tinambiran




Kung sa pagkain naman ang pag uusap hindi mo dapat makalimotan ang Binagol at Suman Tinambiran ng bayan ng Naval sa Biliran. O ang Agta at Labtingaw ng Biliran. Ako mismo ay nalasan kuna ang natural na lasa ng Bnagol at Suman ng Naval. Dahil madalas maraming tao ang namimigay nito sa mga kasali sa parada kapag Bagasumbol Festival sa Naval. Dahil sa ito ay mga Native na pagkain masasabi mo na malalasap mo pati kultura ng mga taga Biliran. Masasabi ko rin na ito talaga ay isang pagkain na nag papahayag ng kultura ng isang katulad kung taga Biliran.


 Kaya tara na at bisitahin natin at at tuklasin ang mala paraisong probinsyang ito. Tara na at mag relx at tumanaw ng magagandang tanawin. Magbabad sa ilalim ng mainit na araw sa bawat dalampasigan ng islang ating dadayuhin. Lasapin ang bawat pagkain na maaring maihain. Ibahin ang bakasyon tara at dumayo sa probinsya ng Biliran. Lugar kung saan may magandang tanawin at makakapag relax kana sulit pa.